His Coldness

His Coldness

  • WpView
    Reads 65
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 3
WpMetadataReadMatureOngoing27m
WpMetadataNoticeLast published Sun, May 3, 2026
What will you do if you're forced to marry someone you don't love? Para kay Lance Alfonso, ang mahalaga lang ay ang kanyang kayamanan. Isa siyang lalaki na halos nasa kanya na ang lahat-magandang pangangatawan, mala-modelong mukha, at kayamanan na pwedeng ikumpara sa mga telenobela. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala siyang kasintahan dahil walang tumatagal sa pagiging malamig at walang puso niya. Walang babae ang tumagal sa kanya nang higit isang linggo. Kapag nagsawa siya, madali siyang nakikipaghiwalay at muling ibinubuhos ang atensyon sa kanyang negosyo. Ang plano niya ay simple lang-pagyamanin pa ang kanyang imperyo, walang lugar para sa mga emosyon o pag-ibig. Pero nagulo ang maayos niyang buhay dahil sa isang sulat ng kanyang lolo-isang 'will' na halos nagpabagsak sa mundo niya. Gusto siyang ipakasal sa taong pinili ng kanyang lolo, at kung hindi siya susunod, mawawala ang lahat ng yaman na tinatamasa niya. At ang hindi niya matanggap? Hindi babae ang napili para sa kanya, kundi lalaki. Paano niya haharapin ang ganitong sitwasyon, lalo na kung ang iniutos ng kanyang lolo ay maaaring sumira sa kanyang pride at malamig na puso?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Lucky, Im inlove with my Bestfriend
  • My Promdi Girlfriend
  • Ang bodyguard Kong Astig
  • Two Souls in a body
  • Jack Rheus And The Cheerful Heart - Victoria Amor
  • Between An Old Memory And Us - Heart Yngrid
  • Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
  • The Fake Contract (Revision)
  • Pretending the Billionaire's Daughter

This is a GxG Story! ☺️ "Gyle, ano ba!?" sabay hablot ko ng kamay ko dito, galing kami sa isang bar sa BGC at itong magaling kong kaibigan kung makahila sa akin akala mo wala akong feelings para masaktan sa paraan ng pag-hila nya, at talagang galit pa ito ng lingunin ako. "Umuwi na tayo." malamig na sambit nito. " Hindi pwede. may date pa ako, at tsaka diba kasama mo naman si zayne? uuwi naman ako eh. pero nag e-enjoy pa ako sa company nung kadate ko. kaya pls lang my friend, hayaan mo muna ako. ok?" maayos kong pakiusap dito, dahil lango na rin ako sa impluwensya ng alak ay hindi ko na iniintindi ang nagpupuyos na galit nito sa akin na hindi ko malaman kung ano na naman ang dahilan. " seryoso kaba maui? nag-eenjoy ka!? bakit hindi ko makitang komportable ka sa taong yun! bakit hindi ko makitang masaya ka sa pag-hawak at pagdikit nya sayo! ano bang klaseng enjoyment yang sinasabi mo ha maui, yun ba yung papayag ka na ikama ka nung nakakabwisit na lalaking yun ha!?" isang malakas na sampal ang natanggap nito mula sa akin. Sunod ng mabilis na pagtulo ng mga luhang kanina pa nya pinipigilan. "Wag kang umaktong parang concern na concern ka sa mga disisyon ko kung sino at anong klaseng lalake ang bibigyan ko ng atensyon at panahon ko. pls lang gayle, hayaan mo akong lumaya sayo. Pagod na ako! at kung magkakaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang sarili ko sa isang tao. wala ka ng pakealam doon! Magkaibigan lang tayo. Sana alam mo parin ang lugar mo, kagaya ng sinabi mo sa akin noon. " Malamig kong bigkas dito at tsaka kumawala sa pagkakahawak nito at pumara ng taxi pauwi sa condo nya.

More details
WpActionLinkContent Guidelines