Ever since we've met wala ng nasa isip ko kung hindi ikaw. Kailan ka ba aalis sa isip ko? Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo - ikaw lang ang nasa mga mata ko. Funny right? Pero ano pa nga ba ang silbi ng mga lalaki sa mundo? Syempre para kapag hindi ka gusto ng gusto mo e humanap ka na kaagad. ---- Sana lang talaga pwede 'yung ganoon, 'no? madaling maka-move on at magkakagusto ka rin kaagad sa iba, pati na rin 'yung palaisipan na sana 'yung gusto ka rin ng gusto mo? Magagawa ko pa kayang makangiti kapag nalaman kong hindi ako gusto ng lalaking pinapangarap ko? --- Pero siguro hindi lang para sa akin mahirap ang lahat ng ito, kasi sa hindi sinasadya ay lagi kong nasasaktan ang lalaking gusto ko. Siya ang laman ng puso ko pero iba naman ang nakikita ko. Para kanino kaya ang mga ngiti kong 'yun?