Mahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy ending kung ang mahal ng mahal ko ay ang Ate ko? kaya para magkaHappy Ending ako gagawin ko lahat kahit pa kalabanin ko ang sarili kong Kapatid. Kaso mukang walang patutunguhan ang kabaliwan ko Dahil ang tingin saakin ng mahal ko ay isang nakababatang kapatid lang.