Four
  • WpView
    Reads 157
  • WpVote
    Votes 27
  • WpPart
    Parts 12
WpMetadataReadOngoing1h 32m
WpMetadataNoticeLast published Sun, Jan 12, 2025
WpInfo
Fiction
Fantasy
Paano nga ba ang mabuhay ng sabay sa dalawang mundong magkaiba?
All Rights Reserved
#372
freedom
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • GRIETA EN EL TIEMPO
  • Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms]
  • Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)
  • Shaile  Academy: Fanfic Ver.
  • I the strongest being at earth got reincarnated into a body of a weak princess2
  • GANGSTER QUEEN REINCARNATED AS A WEAK PRNCESS
  • ❤️The Long Lost Powerful Princess Of Melfiore Kingdom❤️(Under Revision)
  • Gemstone World
  • Reign of the Reincarnated Princess

Sa labas ng lumang simbahan, tahimik ang mundo. Ang kadiliman ng hapon dahil sa pagbabadya ng ulan ay wari'y panaghoy ng kaluluwang humihingi ng isa pang pagkakataon. Sa pagitan ng dilim at hangin, nagkukubli ang mga lihim ng nakaraan at mga kwento ng pag-ibig, pangarap, at pusong iniwan nang walang katapusan. Mary Anica Vernice "Mav" Alcantara, isang guro sa modernong panahon, ay nabigyan ng kakaibang pagkakataon upang muling tuklasin ang kahulugan ng buhay. Sa gitna ng pangungulila at hinagpis, dinala siya ng kanyang mga paa sa simbahan upang wakasan ang lahat. Doon, taimtim na nagsusumamo upang wakasan ang buhay niya. Ngunit sa mismong sandaling iyon, ang kanyang daing ay nagtagpo sa huling panalangin ng isang dalagang nagmula sa nakaraan,si Maria Veronica Enriquez, na bago pumikit ang kanyang mga mata dahil sa karamdaman, ay nagnasang mabuhay nang mas matagal. Ang dalawang tinig na sabay na umalingawngaw ay nagbukas ng isang puwang, isang rift sa pagitan ng mga panahon. Isang pintuan ang bumukas. Isang panalangin ang dininig.At sa isang kisapmata, nawalan ng malay si Mav... upang magising sa isang mundong hindi kanya, kung saan ang bawat hakbang ay may kabayaran, at bawat sandali ay maaaring magbago ng kapalaran. Dito magsisimula ang kanyang paglalakbay-isang paglalakbay sa pagitan ng nakaraang panahon, dalawang katauhan, at iisang diwa. Isang puwang na maglalantad ng mga lihim, magbabalik ng pag-ibig, at susubok sa hangganan ng kapalaran. "Kamatayan ang nagdala sa iyo sa ibang panahon upang mabigyan ka ng pagkakataon na mabuhay, ngunit paano ka mabubuhay sa panahong matagal ng nagdaan? Isang siglo. Isang daang dipa ang layo ng iyong panahon sa panahon kung kailan saan ka dinala ng tadhana."

More details
WpActionLinkContent Guidelines