Si Eiren, isang city girl na kaka-uwi lang mula Canada, bumalik sa Bukidnon para hanapin ang katahimikan sa kalikasan, ngunit sa unang araw pa lang ay mapapasubok na siya kay Jeo, isang island boy na sanay sa adventure at walang plano na ma-interes sa kahit sinong babae-lalo na sa may matalim na tingin, ngiting nakakaaliw, at boses na parang simoy ng umaga... ngunit may dila ring kasing talim ng bagyo.
Sa lupain kung saan humahalik ang berdeng bundok sa ulap, isang di-inaasahang gulong ang magtatagpo sa dalawang magkaibang mundo at dalawang pusong hindi kayang wasakin ng alon.