We all carry burdens from our past, some we share, and some we choose to bury. But for Maurice, her past is bound to catch up with her.
Strong and independent, that's how people describe Maurice Luzane Quivel. She's friendly and approachable, and almost every teacher and students at Falarco International School adores her. Hindi lang siya maganda; she's also intelligent and full of potential. Pero sabi nga nila, walang taong perpekto. Maurice often pushes herself too hard. Ganoon ata talaga kapag middle child ka, laging may gustong patunayan.
Saint Kozlien Azucardwega, on the other hand, is an only child. Introvert, masungit, at tila walang pakialam sa mundo-iyan ang tingin ng mga tao sa kanya. But Kol has a hidden soft spot. He secretly loves taking care of others, kahit hindi halata sa kanyang malamig na ugali.
Sabi nga nila, hindi mo palaging matatakasan ang iyong nakaraan. Maurice is ready to face hers, lalo na't alam niyang magtatagpo muli ang landas nila ni Kol sa STEM strand. Pero ang kaso, bakit ba siya kinakabahan sa pagbalik niya eh parang wala namang epekto kay Kol ang nangyari noon. Hindi siya galit. Hindi rin siya awkward. Para bang... nakalimutan niya? O baka naman hindi? Paano kung he has no plans of letting her forget of what happened last school year pala?