MARLEIGH AINSLEY AGUIRRE. Panganay sa kaniyang tatlo kapatid na sila Carleigh Wensley (COLET) Starleigh Brinsley (STACEY) at sa bunsong kapatid na si Sharleigh Finley Aquirre (SHEENA). Si Ainsley ay isang dating nurse, napilitan iwan ang trabaho dahil mula ng mawala ang mga magulang nila ay sa kaniya na naiwan ang resto bar na siyang negosyo ng kanilang pamilya. Sa kabila ng mga nangyari ay nanatili pa rin positibo ang tingin ni Ainsley sa mga bagay-bagay. Pinaniniwalaan niya na ang lahat ng ito ay may dahilan sa para rin sa ikakabuti ng lahat. Pasalamat pa rin siya dahil sa kabila ng nangyari sa magulang niya ay may kinikilala pa rin silang magulang na siyang gumagabay at kumakalinga sa kanilang magkakapatid. Ang matalik na kaibigan ng kanilang mga magulang. Ang mag-asawang La Vala. MARQUEZ JUNO LA VALA. Nag-iisang anak at apo ng kilalang pamilya sa kanilang siyudad. Si Juno ay sa Espanya na nakapagtapos kung saan nagmula ang kanilang angkan. Nakapagtapos siya sa kursong meron kinalaman din sa pagpapatakbo ng negosyo. Magmula ng makapagtapos ay si Juno na rin ang naghawak ng ilang negosyo ng mga La Vala sa Espanya. Legal man at Illegal. Ang La Vala ay kilala sa kanilang siyudad dahil sa naglalakihan poultry, fisheries at ibat-ibang manufacturing sa lugar. Nanatiling malinis ang pangalan ng mga La Vala sa lugar dahil aa malinis at legal na negosyo ng mga ito sa bansa. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari ay napilitan itong bumalik ng bansa dahil sa kaniyang banta sa buhay. Isang pangyayari na nagpabaliktad ng mundo at ugali ng isang La Vala. Dalawang tao na parehas may nilalaban at lubhang magkaiba. Si Ainsley na positibo at patuloy na lumalaban. At si Juno na negatibo at mas pinipili na lang na sumuko. Magagamot pa ba ni Ainsley ang taong ayaw ng lumaban? O kusa na lang si Juno na gagaling dahil sa pag-ibig na kaniyang biglang naramdaman?All Rights Reserved