Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan siyang sumama sa tita at tito niya papunta sa bagong lungsod.
Bagong lugar, bagong buhay. Desidido siyang magbago at patunayan na kaya niyang magbago sa kabila ng background records niya mula sa mga dati niyang pinasukang paaralan.
Pero parang sinusubok siya ng tadhana-trouble seems to follow her everywhere!
Ngayon, sa parehong eskwelahan kung saan sikat at respetado ang kanyang mga pinsan, kailangan niyang patunayan na kaya niyang makisama, umiwas sa gulo, at burahin ang masamang impresyon ng kanyang nakaraan.
Pero paano kung ang mismong "bagong simula" niya ang maging dahilan ng mga bagong rambol, tawanan, iyakan, at... kilig?
Makisama kay Navielle Cortez A.K.A 'Navi' or 'Elle' sa kanyang magulong journey sa ilalim ng iisang bubong, kung saan ang bawat araw ay may kasamang adventure at unexpected surprises.
Sa huli, matutunan kaya niyang baguhin ang tingin ng iba sa kanya-at ang tingin niya sa sarili niya?
...............
xxxBaizuexxx