WARNING! This story contains explicit scenes not for ages 18 below. ____________ Isang ulirang anak sa umaga. Isang tusong bayaran sa gabi. Dala ng kahirapan, napilitang pasukin ni Mirasol ang mundo ng strip club upang matustusan ang pagpapagamot ng kanyang Inang may sakit. Bata pa lamang ng iwan ng kanyang ama kaya napiliting kumayod ang dalaga. Ngunit, isang customer ang magpapabagonng takbo ng buhay n'ya. Si Rich, isang binata mula sa marangyang pamilya ang mag-aalok ng kasal sa kanya. Agad n'yang tinanggap ang oportunidad na maibangon sa kahirapan ang pamilya. Ngunit, nawaglit ang pangarap n'ya nang umuwi ang nakatatandang kapatid ng binata at sapilitan s'yang pinapipirma ng annulment kapalit ng malaking pera. Isang bilyonaryo at successful business tycoon si Landon sa Amerika ngunit wala s'yang nagawa nang maiwan sa pangangalaga n'ya ang spoiled at liberated na nakababatang kapatid na si Rich. Lalo pang nadagdagan ang sakit ng ulo n'ya nang mabalitaan n'yang nagpakasal ito sa isang stripper na nakilala sa Pilipinas. Agad s'yang umuwi para ayusin ang gulong ginawa ng kapatid. Ngunit, hindi n'ya inaasahan na hindi pala magiging madaling paghiwalayin ang dalawa. Tagumpay kayang mapaghihiwalay ni Landon ang kapatid kay Mira? O mahihirapan na rin s'yang ilayo ang dalaga sa sarili n'ya?All Rights Reserved