My Husband is a Ruthless Darling
52 parts Complete MatureSi Clay Verdera, ang tinitiliang aktor ng bayan-gwapo, sikat, at hinahangaan. Samantalang si Isla Aurora Randal, isang simpleng babae na walang kamalay-malay na ang buhay niya'y magbabago dahil sa isang kasunduang hindi niya pinili.
Sa kabila ng makabagong mundo, lumang tradisyon ang nagbuklod sa kanilang dalawa-isang lihim na kasal na kailangang manatiling tago upang protektahan ang karera ni Clay. Sa kamera, siya ang perpektong leading man. Ngunit sa likod ng mga ngiti, siya ang lalaking nagpapadama kay Isla ng lamig at lumbay.
Si Isla-umiibig, umaasa, at handang magtiis. Ngunit hanggang kailan siya magiging anino ng sariling pag-ibig? Kailan mapapansin ni Clay ang pusong matagal nang sumisigaw para sa kanya?
Sa paglalaban ng pagmamahal at sariling halaga, sino ang mananalo? At kung may mawawasak, puso ba ni Isla o ang mundong ginagalawan ni Clay?