Si Roselle, Working hard na published author, sa isang Publishing Company. Palaging pagod sa trabaho kung kaya't nawalan ng oras sa asawa niya. Walang panahon para panindigan ang pagiging maybahay ni Calvin. Si Calvin naman ay isang film director, sa isang Entertainment Company. Larawan ng isang asawa na naghahanap ng atensyon at pag-aasikaso ni Roselle. Sarili lang din ang iniisip kung kaya't hindi sila magkaunawaan bilang mag-asawa. Pagka't kapwa abala sa paghahanap-buhay. Nawalan sila ng gana para magsama pa ng matagal sa iisang bubong. Napagdesisyunan na lang nila ang maghiwalay at iwanan ang isa't isa. Ipinagbili ang kanilang ari-arian, kasama ang bahay at lupa at walang pakialaman sa kanilang bagong pamumuhay.All Rights Reserved