"Anak, may bago tayong kapit-bahay. Diyan sa tapat lang natin!" ani ni Mrs. Guzman. Sinabi niya sa anak niya na may bago silang kapit-bahay, at mukhang wala lang eto sa dalaga. "Hoy! Anak. Wala ka bang balak pumunta doon?" "Ano ba Ma?! Ba't ako pupunta doon? Close ba kami? Wag mo na muna po akong kulitin" sabi ng dalaga at tumungo sa kwarto niya. Maliit ang mundo para sa mga taong nag-iiwasan. Di nila alam, malapit na pala sila sa isa't isa. Paano kung isang araw, nalaman mo na yung Ex mo pala, kapit bahay mo na?