A Slice of Life, one-shot story. [COMPLETED]
Noong bata pa tayo, gusto na agad natin lumaki. Noon ang tingin natin parang ang saya kasi ng buhay ng mga matatanda, malaya, at maraming nagagawa. Pero ngayon, habang lumalaki tayo, parang gusto na lang nating bumalik sa pagkabata.
Gusto na natin bumalik sa panahon na inosente tayo, walang alalahanin, walang mabibigat na responsibilidad, at hindi pa natin nararamdaman ang bigat ng realidad. Noon, lahat ay tila mas simple at magaan.
Nakita na natin kasi kung gaano ka pangit ang mundo, kung paano 'to hindi patas para sa lahat. Ang hirap pala at ang sakit.
Kaya naman, habang tumatanda tayo, unti-unti tayong natatakot sa paglipas ng panahon.
Gusto na lang natin mag laro at mawala sa loob ng kabukiran.
Kung saan tahimik at payapa.
⋆。˚ ☁︎ ˚。⋆。˚☽˚。⋆
An old story of mine, for audio story book.
Written in Taglish, a combination of Tagalog and English
Cover design by: Sayyida Arts