PROLOGUE "Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka na." Sabi ng isang tao sa malamig na tono. "Isa.." Simula nito. "Dalawa.." Wala pa man sa ikatlong bilang ay tumakbo na ang kaniyang bibiktimahin at nagsisisigaw para humingi ng tulong. "TAKBO! Tumakbo ka hanggang kaya mo, sumigaw ka hanggang mawala ang boses mo. Wala akong pakialam. Heto lang ang maipapayo ko sayo, wag kang lilingon at tumigil sa pag takas sa akin dahil hindi mo alam ang nag-aabang sayo pag napasa-kamay na kita." Pasigaw na sabi nito bakas sa kaniyang boses ang tuwa sa kaniyang ginawa. *** (Someone) "Alam at kilala namin kung sino siya, subalit WALA KAMING MAGAWA AT WALA RIN KAMING KALABAN-LABAN SA KANIYA. Iniisa-isa niya kami, dahan-dahang pinapahirapan at pinapatay. Kaya kung ako sainyo, TUMAKBO na kayo.. Dahil baka isa araw wala kana rin at kasama mo na ang iba pa niyang mga biktima.."