Si Danica Erin Pineda ay unang anak ni Delfino Pineda sa kaniyang naging unang asawa na yumaong na. Ang Tatay Pino niya ay muling nakapangasawa ng babaeng anak mayaman kaya napilitan siyang iwanan ang kaniyang anak na nag-iisa sa kanilang lumang bahay para sa kaginhawaan ng buhay. Si Gina Pineda ang kaniyang naging asawa at nagkaroon sila ng anak nasi Lady Dianne Pineda. Isang araw na kinakatakutan ng mag-asawa ay siya nang naganap. Nangako silang mag-asawa sa pamilya ng Dela Tiero na ipapakasal nila ang kanilang anak na babae para sa isang ari-arian at kung hindi nila ito tutuparin ay ipapakulong sila ng mga ito. Dahil umuwi na ang lalaking anak ng mag-asawang Dela Tiero ay pinagpasyahan nila idaos na ang kasal sa lalong madaling panahon. Nalaman ito nila Delfino at Gina kaya sinabihan nila ang kanilang anak nasi Dianne pero nang malaman ito ng dalaga ay pinagtangkaan niyang kitilin ang sariling buhay para lang makawala sa kasal na iyon. Nang malaman iyon ni Danica ay inako niya ang kasal na iyon bilang handog sa kaniyang nakababatang kapatid. Ayaw niyang tuluyang lisanin ng kapatid ang mundo kaya napilitan siyang akuin ang lahat. Pinakasalan niya ang nakatatandang anak ng mag-asawang Dela Fuero. Pinakasalan niya si West Antonio Dela Fuero ang nag-iisang anak na lalaki nina Mr.Anton Dela Fuero at Mrs.Que Dela Fuero. Ang Dela Fuero ang pamilya na hindi mo kayang kalabanin kaya kung may pagkakataon kang tumakas sa kamay nila ay tumakas kana.All Rights Reserved
1 part