Madalas sa buhay, may mga pagkakataon na parang gusto na lang natin i-surrender lahat ng bagay. Na kahit mabigat at mahirap na; may iilang rason pa rin para mag-patuloy. Maganda pa lang pagmasdan ang langit at ang araw sa patapos na maghapon. Malamig pala ang simoy ng hangin sa kinalalagyan ko ngayon. Pero mas masarap pa lang manatili rito nang may mainit na caramel macchiato sa tabi. Pero mahirap lumunok ng paborito kong kape kung sa bawat higop ko ay kasing-init din sa dila nito ang mga pasan kong responsilibad.
I'm Xielestra Lopez, aaminin kong grumpy ako most of the times, lahat ng bagay sa buhay ko ay tinuturing kong hindi matamis kagaya ng mga na-bake ko ng pastries. Currently a 1st year EDUC student. Aaminin ko na gusto kong maging guro someday pero who knows, na ganito pala ang magiging storyline ng buhay ko.
Even though there's a lot of things I want to accomplish and try, imposible nang mangyari.
Kailan kaya magiging matamis ang bawat higop ko ng kape?