Falling For Miss NBSB (EDITING)
64 parts Complete "Nagmahal ka na noon kaya nagmamahal ka ngayon at magmamahal ka pa sa habang panahon." - Brieanna Monique Reyes
"Stop acting like you know everything! Ano bang alam mo sa love?! Bakit? Naranasan mo na ba?" - Kane Ash Dicen
Kailangan ba talagang maranasan ang isang bagay para masabi mong may alam ka dito?
Sabi nila, Love daw ang pinakamagandang feeling.
Pero para sa mga katulad kong NBSB, ang love na talaga ang pinangingilagan namin.
Bakit naman magmamahal kung masasaktan lang? Bakit ka susugal kung alam mong una palang, talo ka na?
Para sa akin, ang tanga ng mga taong umiibig. Ang dami pang pwedeng gawin sa buhay pero heto sila, nagpapakamartyr sa pag ibig.
Kaya ayokong umibig. Mahirap na baka matulad ako sa kanila. Ayokong masaktan at ayokong mahirapan. Hindi naman ako tanga para saktan yong sarili ko.
Pero ano nga bang mangyayari kapag nagsimula kong maramdaman ang kakaibang feeling na ito? Kaya ko bang pigilan? O wala akong magagawa kundi sundin ito?