Habang abala si Aestrielle Brittany De Leon sa pagsusulat ng kanyang pangarap para maging isang matagumpay balang araw, hindi niya namalayang, tuluyan na rin pa lang nauubos ang tinta ng kanyang panulat dahil sa ilang beses na mga pagsubok at pasakit ang hatid ng mundo sa kanya. Na siya rin pa lang magiging dahilan para tuluyang mabura ang bawat letra ng alaala, at hindi pag-ayon ng mga kabanata base sa kanyang isinulat na maging kapalaran niya sana. Wala nang iba pang mahihiling sa buhay si Aest dahil lahat ay nasa kanya na simula noong bata pa ito. She was beautiful and passionate towards her talents. She was peacefully living her life in her province, Pangasinan, with her loving parents, and a best friend, Kenjiro Gustavo who will always by his side since day one. Her life almost perfect at all... Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagbibilang ng bawat isinusulat niyang mga paboritong alaala, hindi niya lubos aakalain na ang buhay na kinagisnan niya ay biglang bawiin sa kanya. Ang totoo ay hindi siya perpekto at panandalian lang ang lahat ng naranasan niya. Ang saya, kilig, at higit sa lahat ang pamilya na pinaka-importante sa kanya. Unti-unting binawi ang lahat ng mayroon sa kanya, maging ang pagmamahal na pinaramdam sa kanya. Dahil simula pa lang - hindi niya ito naging pagmamay-ari kailanman. Counting Every Letters (Pangasinan Province) On-goingAll Rights Reserved