Ayon sa mga alamat, lingid sa kaalaman ng nakararami, may mga misteryosong nilalang na palihim na namumuhay sa ating mundo. Tinuturing sila ng ilan bilang mga espiritu, may tumatawag din sa kanilang mga tagapagbantay, at mayroon namang iba na sinasamba sila bilang mga diyos. Pero para sa iilang may malalim na kaalaman sa mundong nakakubli sa hiwaga, tinatawag silang "Anito."
Kung ikukuwento mo ito kay Makisig "Maki" Kagiwa, isang 15-anyos na high school student, malamang ay tatawanan ka lang niya. Para sa kanya, ang mga ganitong paniniwala ay makaluma at walang saysay---mga sabi-sabing wala nang lugar sa modernong panahon. Sa isang katulad niya na lumaki sa isang abalang lungsod na puno ng teknolohiya, ang mga alamat ay tila kathang-isip lang.
Pero susubukin ang kanyang paniniwala, dahil siya mismo ang makakaranas ng mga di-maipaliwanag na pangyayari---mga kababalaghan.
Paano kung matuklasan niyang totoo pala ang mga nilalang at halimaw mula sa matagal nang nakalimutang mga kuwento?
Maniniwala ba siya bago mahuli ang lahat?
O tuluyan ba siyang mapapahamak---kasama ang kanyang nakatatandang kapatid---kapag sila'y guluhin ng mga nilalang ng dilim, na may mga lihim na layuning lingid sa kanyang pag-unawa?
______________
This is the Tagalog version of Anito Anarchy, originally written in English. With over 37,000 reads, the story follows Maki Kagiwa, a teenage boy from future Manila, as he navigates a hidden world shrouded in shadows and mystery. Join him as he encounters both friends and foes on his journey---and discovers that the legends of the past are very much real... and that, sometimes, fiction can be even stranger than the reality he once believed in.