Sa kalagitnaan ng pamamasyal ni Nathalie ay nakilala niya ang isang lalaking nagpakilalang si Alejandro. Humingi ito ng tulong sa kanya at sinabing nagmula siya sa taong 1887. Bagama't may pag-aalinlangan, pinili pa rin ni Nathalie na kupkupin si Alejandro dahil sa kabutihang ipinakita nito sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahang may dala pala itong isang misyon-isang layuning tanging siya lamang ang makatutulong upang maisakatuparan. Ano kaya ang misyon ni Alejandro na kailangang gawin para makabalik siya sa nakaraan? Magagawa kaya siyang tulungan ng dalaga kung sariling buhay niya ang kailangang isakripisyo para sa binata?
Plus d’Infos