______________________ "Aha! Alam ko na! May alam na ako para mapansin ka ng Oh-so-super-crush mo. Hihihi. Buti nalang naalala ko." "Ano yun?" Takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng abot tenga. Haysh. Nababaliw na naman siguro tong babaeng toh--- "Love Spells." Napatigil ako sa sinabi niya. Ano na namang pakulo nitong babaeng toh? Love Spells? Hindi na uso yan eh! "May alam akong mga Love Spells. Wala namang mawawala kung itry mo diba? At kapag gumana yun, magugustuhan ka ni Tael. Magugustuhan ka na ng crush mo." Napatigil ako sa sinabi niya. Tama! Wala namang mawawala kung itry ko diba? Nakuu! Ganito na ba ako kadesperada kay Tael para gumamit ng Love Spells? Haysh. Bahala na! ________________