Amethyst Crystal Crawford. 18 years old. Lumaking palaban at natuto ng martial arts dahil sa mga nambubully Sa kaniya. Pero pagdating sa mga mahal niya sa buhay ay malambot siya. Sa loob ng kumbento na siya lumaki kaya wala ng magulang na sinasandalan. Tanging ang mga bata at mga Madre na lang ang kaniyang naging sandalan sa labing walong taon niyang pamumuhay. Natuto rin siyang maghanap buhay sa napakamurang edad. Sa edad na 18 ay marami na siyang napasukang trabaho. Maalam siya sa mga gawaing bahay kaya gustong-gusto siya ng mga Madre sa kumbento. Hanggang isang araw, nakatagpo siya ng isang pangyayari na sa buong buhay niya ay hindi man lang sumagi sa isip niya na kaniyang masasaksihan. Isang pangyayari na babaguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Isang pangyayari na dadalhin siya sa katotohanan. Sa isang iglap ay muli niyang mababalikan ang nakaraan, ang nakaraan na minsan na niyang nakalimutan. Pero ang tanong ay matatanggap niya pa kaya ang buhay na minsan na niyang nakasanayan? O gaya nang pagkalimot niya rito sa luob ng mahabang panahon, tuluyan na niya itong ibabaon bilang isang mapait na alala na lamang? Tuklasin at samahan natin si Amethyst sa kaniyang mala 'roller coaster' na adventure.All Rights Reserved
1 part