Banayad

Banayad

  • WpView
    Reads 239
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Feb 7, 2026
"May tahimik na umaga na darating at marahan na dadampi sa puso mo. Ipapaalala na anuman ang bangungot na dala ng nakaraan, magpatuloy ka ngayon, sapagkat hawak ka ng isang umaga. Itatawid ka nito papunta sa hinaharap. May tahimik na umaga na darating at yayakapin ang puso mo." - paghealom Marahil malimit nating sabihin na kaybilis ng panahon. Sa isang iglap, ang kasalukuyan mo'y isa nang nakaraan. Sa isang iglap din lamang, ang hinaharap ay kasalukuyan mo na. Sa nagmamadaling mundo, ang pagiging banayad ay tila isang kalabisan lamang. Ngunit sa lahat, ito na yata ang pinakamasarap na pakiramdam. Ang pagiging marahan. Ngunit sa mundong kinalakihan ni Malaya, ang buhay ay tila isang rumaragasang ilog. Ang isang pagpikit ay dadalhin ka sa hinaharap. At sa oras na maging marahan ka ay mas lalo kang masasaktan. Para kay Malaya, ang banayad na umaga ay isang bangungot; isang madilim na panaginip. Kung kaya't mas pipiliin niyang pumikit at palampasin ang araw, at hayaan itong maging parte ng kaniyang nakaraan. Subalit sa kabila ng matigas niyang paniniwala, hindi niya inaasahan ang pagdating ng isang tahimik na umaga, marahan at mahinahon, at isang umagang hindi siya kayang saktan. Si Amiel. Sa isang payapang dalampasigan na rinig ang paghalik ng mga alon sa puting buhangin, makararanas nga kaya si Malaya ng isang umagang hindi niya kasusuklaman? Matututunan niya rin kayang mahalin ang pagiging marahan? Sa mabilis na pag-ikot ng mundo, gaano katamis ang maranasan ang isang banayad na pag-ibig?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Sa Pagitan ng Gabi at Umaga
  • At the Crack of Dawn (Sitio Feliza Series #1)
  • Craving Grecela
  • Cruising in the Stars (Cielo Gracia Chronicles #1)
  • Sa Pagbalik
  • MINE❤️ [Completed]
  • The Contractual Mommy (CACAI1981 XCLUSIVE)
  • Salamisim
  • Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED)

Summary: Sa mata ng iba, mali. Sa batas ng mundo, delikado. Pero paano kung sa pagitan ng agwat ang edad, may pusong pareho ang tibok? Kirsten, isang dalagitang nangangarap ng totoong pag-ibig. Maui, isang lalaking pilit tinatakasan ang nakaraan. Sa isang tahimik na baryo, nagtagpo sila-at sa pagitan ng gabi at umaga, unti-unting nabuo ang isang lihim na pag-ibig. Pero hanggang kailan mananatiling lihim ang damdaming bawal? At kailan matutunan ng puso kung paano pakawalan... o panindigan? -- Disclaimer: Ang kuwentong "Sa Pagitan ng Gabi at Umaga" ay isang original na akda ng manunulat na ito at hindi hango sa anumang partikular na libro, pelikula, o serye. Lahat ng karakter, lugar, at pangyayari ay bunga ng malikhaing imahinasyon ng may-akda at anumang pagkakapareho sa tunay na buhay o sa ibang fiction ay hindi sinasadya. Ang mga ideya at temang ipinapakita sa kwento ay purely fictional at hindi naglalaman ng anumang intensyon upang magsanhi ng pagkakalito o pagkakasala. Salamat sa pagbabasa, at sana'y magustuhan ninyo ang kwento ni Kirsten at Maui!😊❤️

More details
WpActionLinkContent Guidelines