P R O L O G U E
" So that even if you escape from me using an airplane, I can still catch you using my ship. No matter where in the world you hide from me, as long as there is a sea, I will find you, Zaia Augustus... Zaviaer " - Azyhan Zaviaer
Madilim at umuulan nang malakas, ang mga kidlat ay parang mga pangil ng isang galit na langit habang ang mga kulog ay umuugong na tila mga sigaw ng panganib. Nanghihina ako habang pinipilit kong gamitin ang navigation system, ang mga daliri ko ay nanginginig sa takot at pagod. Kailangan kong ma alerto ang kahit na sinong makakatanggap nang signal malapit sa amin
" Your approaching Queen Elizabeth Class Aircraft Carrier, who's on the other line? "
Isang malamig at seryosong boses ang sumagot, parang isang malamig na hangin sa gitna ng bagyo. Nabuhayan ako ng pag-asa, sa wakas may tumanggap ng aking signal
" Help... us... we're... running... out... of... oxygen... "
Ang aking mga salita ay lumalabas na parang mga huling hininga, puno ng takot at panghihina, hindi sumagot agad ang nasa kabilang linya nang biglang umingay ang sistema ng eroplano, parang isang halimaw na nagagalit. Malapit na kaming bumagsak, at ang karagatan ay tila nag-aanyaya ng kamatayan
" We are only sixteen kilometers away. You can land on our runway! "
Nagulat ako sa aking narinig dahil kilala ko ang boses na iyon, parang isang liwanag sa gitna ng dilim
" We... can't... make... it... "
Ang mga salita ay halos pabulong, puno ng takot at panghihinayang. Ang sakit sa aking tiyan ay parang apoy na sumisiklab na nagiging sanhi ng aking panghihina
" Sh*t! Zaia! "
Iyon na lang ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay, ang mundo ko ay naglaho sa dilim