Nagtungo si Jilliane sa Isla Samaniego para hanapin ang kanyang sarili dahil sa isang masakit na katotohanan na kanyang natuklasan. Sa islang iyon ay nakilala niya si Derek. Hindi niya kayang bale-walain ang matinding atraksiyon na agad niyang naramdaman para dito, lalo na at ginagawa nito ang lahat para makuha ang atensiyon niya. Pero paano kung isang araw ay malaman niyang hindi pala ito ang tipo ng lalaking nagseseryoso sa isang relasyon dahil sa nangyari dito sa nakaraan? Nakahanda ba siyang sumugal sa isang lalaking pumukaw ng samut-saring damdamin sa puso niya sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya?All Rights Reserved