Sa isang tahimik na baryo sa Cotabato, biglang nagulo ang simpleng buhay ni Selene Hera Altrenado. Sanay siyang mamuhay ng payapa, kuntento sa araw-araw na tanawin ng bukid at katahimikan ng probinsya. Pero hindi niya inakalang isang kasunduan ang sisira sa lahat ng iyon.
Ipinasya ng kanyang pamilya na ipakasal siya bilang kapalit ng utang na loob sa pinakamakapangyarihang pamilya sa lugar - ang mga Romanov. Ang mapapangasawa niya? Si Terenz Angelo Romanov. Isang hot nerd na mas pamilyar sa codes, books, at science kaysa sa feelings o relasyon. Tahimik. Mailap. Matalino. At may sariling mundo.
Pipilitin ni Selene na tumakas sa kasalang hindi niya pinili. Pero paano kung ang lalaking iniwasan niya ay unti-unting nagpaparamdam ng bagay na hindi niya inaasahan? Paano kung sa likod ng nerdy glasses at awkward smile ay may pusong kayang magmahal nang totoo?
Sa gitna ng kasunduan, at sa pagitan ng dalawang taong magkaibang-magkaiba, magsisimula ang kwento ng isang kasalang hindi niya pinangarap... pero baka siya ring magtuturo sa kanya ng tunay na pag-ibig.
What if the boy you never imagined... becomes the man you can't forget?
Note: Don't judge the character too harshly. Like all of us, they make mistakes and wrong decisions. We're all imperfect, and it's through those flaws that we grow.
------------
All photos in this book aren't mine.They are all from Pinterest.Credit goes to the real owners.
This my 1st ever fiction and English
Is not my first language so please don't mind
Spelling mistakes...this is fiction all line have been made by me so if there's any similar things it may be a coincidence ...
I hope you enjoy 😉