Ang buhay-college ni Chelseah ay parang laro ng patintero-minsan nasa linya ng tagumpay, pero kadalasan, tagos sa puso ang talo. Freshman siya sa Philippine Tech University (PTU), isang school na mukhang mala-Hogwarts, pero imbis na magic, punung-puno ng math, accounting, at terror na professors.
"Bakit ba kasi Accountancy ang kinuha ko? Bakit di na lang Food Tasting 101?" bulong ni Chelseah habang naliligaw pa rin sa hanay ng mga building. Napakaganda ng campus, pero siya, nawawala sa buhay-at sa mapa ng school.
At doon papasok si Miguel Oliver, ang poging Architecture student na literal na nakasandal sa dingding ng building ng Accounting. Mukha siyang batang walang problema, pero ang dila niya, kasing talas ng ruler. Una pa lang, tinawanan na ang awkward "about me" ni Chelseah. Pero ang pinakamasama? Parang ang goal niya sa buhay ay mag-appear sa lahat ng stressful moments ng dalaga, tapos ngingiti lang ng "kaya mo 'yan!" habang sinisira ang focus niya.
Si Miguel ang walking paradox ni Chelseah: nakakainis pero hindi kayang hindi tingnan. Siya yung tipong "asan na naman siya" pero deep inside, "sana andyan siya." At habang nagkakalat siya sa accounting terms tulad ng *debit, credit, liabilities*,
Pero hindi lang puro kulit. Habang si Chelseah ay pinupush ang sarili niyang abutin ang pangarap, si Miguel ay busy rin buuin ang kanya-isang blueprint ng buhay na puno ng surprises, struggles, at... Chelseah.
Habang naglalakad sila papunta sa kanilang mga pangarap, matutuklasan nilang ang biggest dream minsan ay hindi degree o tagumpay. Minsan, nandun siya sa taong hindi mo hinanap, pero lagi mong hinihintay.