Bakit Siya, Eh Andito Naman Ako?
11 parts Complete [This story is just my fanfic about Jayson from PPOP group 1st.One 🖤]
"Bakit ba kasi pinipilit mo pa sarili mo sa kanya? Halata naman na ginagamit ka lang," sabi ni Jayson, habang nakatitig sa kanya na parang gusto siyang pagalitan pero nag-aalala rin.
Si Kim, nakatingin lang sa langit, kunwari abala sa mga bituin. "Ewan ko ba... ang tanga-tanga ko. Umaasa pa rin ako na baka may chance pa ako."
"Kim, may girlfriend na siya," seryosong sagot ni Jayson, halos pabulong pero mariin. "May girlfriend na siya... di pa ba sapat na rason 'yon para tumigil ka?"
Napangiti si Kim ng mapait, sabay namuo ang luha sa mata niya. "Alam ko, Jayson... alam ko. Ang tanga ko lang talaga, pero mahal ko siya."
Tahimik lang si Jayson. Kita sa mukha niya na gusto pa niyang magsalita pero pinili niyang manahimik. Sa halip, lumapit siya at biglang hinila ang braso ni Kim, pinasandal siya sa dibdib niya.
"Umiyak ka lang," bulong niya, mahina pero ramdam ang bigat ng emosyon. "Nandito lang ako."
At doon, tuluyan nang bumigay si Kim. Umiiyak siya habang naririnig ang tibok ng puso ni Jayson-paalala na kahit gaano kasakit, hindi siya nag-iisa.