Si Amber Jenkins ay isang single mother sa kanyang napakagandang anak na si Arabella, na na-diagnose ng leukemia. Sa kagustuhang mailigtas ang kanyang anak, napilitan siyang makilahok sa isang kakaibang auction, isang auction na nilalahukan ng mga mayayaman at makapangyarihan. Ngunit ang kaganapang ito ay hindi pangkaraniwang auction dahil mga tao ang ini-auction dito. Mahal na mahal ni Amber ang kanyang anak kaya handa siyang magsakripisyo upang masigurado ang buhay nito. Ipinagkatiwala niya ang kanyang kapalaran sa Diyos, humihiling ng lakas upang harapin ang anumang nakatakda para sa kanya. Ngunit ang hindi inaasahan ni Amber na ang taong bibili sa kanya ay walang iba kundi ang dati niyang tormentor noong nasa college pa siya, ang bilyonaryong si Theodore Oliver Zimmerman. Back then, may lihim na pagtingin si Theodore para kay Amber, ngunit nang tanggihan siya ng dalaga ay nauwi sa pambubully ang nangyari dahil na din sa kagustuhan na pansinin siya nito, kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat ni Theodore na makitang parte ang babaeng nagustuhan noon sa isang human auction at walang pagdadalawang-isip na binila niya si Amber. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng binasted siya dahil diumano ay gustong makapagtapos ay isang dalagang ina ay hindi mapaliwanag ni Theodore ang disappointment at galit para dito na siyang naging dahilan para pahirapan niya si Amber.All Rights Reserved