Ang Pogi kong C.E.O

Ang Pogi kong C.E.O

  • WpView
    Reads 2,901
  • WpVote
    Votes 176
  • WpPart
    Parts 20
WpMetadataReadOngoing57m
WpMetadataNoticeLast published Sun, Jan 12, 2025
Ang kwentong "Ang Pogi Kong C.E.O" ay isang nakakatawang romance story tungkol sa isang babaeng empleyada na nalate sa trabaho at natakot na mapagalitan ng kanyang masungit na boss, si Jiro. Nang siya ay masundo ng isang van na inakala niyang kidnapping, nalaman niya na si Jiro mismo ang nagpautos na sunduin siya dahil late na siya. Sa hindi inaasahang pangyayari, imbes na mapagalitan o tanggalin sa trabaho, inimbitahan pa siya ni Jiro na ilibre ng pagkain. Ngunit sa halip na sa isang mamahaling restaurant, pinili ng babae na pumunta sa kalsada para kumain ng street food, na labis namang ikinagulat ng kanyang mayamang boss. Sa kabila ng pagiging maarte ni Jiro, natutunan niyang kumain ng simpleng pagkain tulad ng kwek kwek, kahit pa nagkaroon sila ng ilang nakakatawang hindi pagkakaintindihan. Ang kwento ay puno ng komedya at kakaibang chemistry ng dalawang tauhan, na nagpapakita ng pagkakaiba sa kanilang mga mundo at kung paano sila nag-uumpisang mag-adjust sa isa't isa.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • ESTRANGHERO
  • CONTRACT WITH MR. BILLIONAIRE (STILL EDITING)
  • Marriage Contract
  • Jack Rheus And The Cheerful Heart - Victoria Amor
  • Her Wandering Heart - Catarina Paris
  • Between serves and secrets
  • 📖 BOOK 6: SYMPHONY OF SILENT HEARTS 🎶
  • Magic Dimension
  • The Secret Island
  • PASST - ANG SISTEMA AT ANG MULTO (COMPLETED)

Pinili ni Talia na manirahan sa maynila at kalimutan ang lugar na kinalakihan. Sa probinsya ng kanyang mga magulang pati ng pinakamamahal niyang lola. Marami mang magagandang bagay at ala-ala na dahilan para manatili siya ay lamang parin ang lungkot at nakuha niyang sakit sa puso na dahilan ng tuluyan niyang paglisan sa lugar na yun. Mga alaala sa mahal niyang mga magulang pati narin sa lola niya na namayapa na. Ngunit sa paglipas ng maraming taon, nagpasya si Talia na bumalik muli sa lugar na pinili na niya sanang kalimutan ng malaman nito ang nangyari kay Celia, hindi niya tunay na kapatid. Anak ito ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Subalit hindi man tunay na kadugo ay labis ang pagmamahal niya para sa kinikilalang kapatid. Agad-agad siyang umuwi ng malaman na naaksidente ito. Pero ganun nalang ang inis niya ng malamang hindi totoo ang aksidenteng nangyari sa pilyang kapatid, palabas lang pala nito yun. Nagalit siya dito dahil hindi magandang biro ang balitang nakarating sa kanya at dahil doon, nagpasya siyang bumalik na sana ng maynila pero dahil sa hindi niya ito matiis. Ayaw man niya, nagpasya siyang manatili nalang muna doon kahit na mga isang linggo dahil narin sa pamimilit nito lalo pa't darating narin ang nalalapit na kaarawan nito. Subalit sa pagbabalik at sa pananatili niya, unti-unti niyang malalaman na ang dating payapa na lugar na kinalakihan ay mayroon palang nakakakilabot na nagaganap sa kasalukuyan. Kasabay nun, makikilala niya ang isang misteryusong lalaki na laging nagpapakita at siyang makapagbibigay ng kakaibang takot sa kaniya. Kasabay ng pagkakatagpo ng landas nila ng lalaki malalaman niya ang katutuhanan tungkol sa totoong dahilan ng pagbabalik niya sa lugar na yun na makakapagpabago ng paniniwala at tiwala niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. I'm not professional author, writen is just a hobby that i really enjoy! Votes and comment are highly appreciated. Dont forget to click the follow button. Thank you!✨💕

More details
WpActionLinkContent Guidelines