Maganda, matalino, pantasya ng mga kalalakihan, iyan si Serena Ferare. Isa siyang sikat na modelo, perfect woman ang tingin sa kanya ng lahat. Nakampanti siya paghanga na iyon ng iba, akala niya magiging sapat na ang kanyang ganda kapag nagmahal na siya. Pero mali pala, dahil nang maging asawa niya ang mafia boss na si Cyrus Morette ay namatay ang paghanga niya sa sarili. Si Cyrus ang klase ng asawa na ituturing kang reyna kapag kaharap ka. Pero basura ka sa kanya kapag nakatalikod ka na; napakababaero nito, iba-ibang babae bawat lugar na pinupuntahan. Kaya naman nanggagalaiti si Serena sa sobrang selos at galit. Gusto niyang iparamdam din sa asawa kung ano ang pakiramdam ng pinagtataksilan. Bilang ganti ay inakit niya si Allain Chester, ang kanang kamay ng kanyang asawa na maihahalintulad sa isang bato; walang emosyon, tahimik, nakatayo lang sa isang tabi at sumusunod lang sa mga utos. Pero nang makuha niya na ang atensyon ni Allain ay nagmistula itong gutom na tigre na gusto na lang siyang lamunin tuwing magkikita sila. Ngunit paano nga ba niya tatapusin ang inumpisahang laro? Paano siya makakawala sa mga bisig ni Allain kung parang gusto na lang nitong maging linta sa kanya? 'Yong tipong ngingiti lang siya sa asawa ay nanlilisik na ang mga mata nito sa kanya dahil sa selos. Hanggang kailan sila dadalhin ng kanilang kataksilan? Paano kung pagdating ng araw ay sarili niya lang din ang masusunog sa apoy na sinubukan niyang laruin para lang makaganti sa asawa? Paano aapulahin ni Serena ang nag-aalab niyang puso kung ayaw na nitong paawat pa?All Rights Reserved