Si Lakeisha, o Isha, ay laging napaliligiran ng sigawan, galit, at mga hindi pagkakasunduan sa bahay. Ang pamilya niya'y unti-unting nagkakawatak-watak, at lahat ng pangarap niya ay nauurong dahil sa bigat ng sitwasyon. Isang araw, matapos ang isang malupit na pagtatalo, napagdesisyunan niyang umalis, hindi alam kung saan pupunta, basta't kailangan niyang makaalis.
Dumating siya sa isang kanto at nakatagpo ng isang misteryosong lalaki na may hawak na gitara. "Winky Wolly," bulong ni Isha, "Ang shonget naman ng name, pang bata." Lalagpasan na sana niya ang bar nang kumalabit ang lalaki sa kanya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa-colorful na suit, nakasalamin, at may gitara.
"Miss! Mukhang ang saya natin ngayon ah?" sabi ng lalaki, na halatang hindi nakita ang pagka-busangot ni Isha. "Ano bang kailangan mo?!" tanong ni Isha, medyo nainis.
"Gusto ko sana mapakinggan mo 'yung kantang sinulat ko. Puwede ba?" tanong ng lalaki. Tumango si Isha, wala nang lakas makipagtalo.
"Tara, pasok tayo!" yaya ng lalaki. Pagpasok nila sa bar, naguluhan si Isha dahil walang ibang tao. "Bakit walang ibang tao?" tanong niya. "For special fersons lang kasi ang bar na 'to, Lakeisha," sagot ng lalaki.
Pinaupo siya sa kulay pink na upuan. "Saglit lang, aayusin ko lang," sabi ng lalaki bago umakyat sa stage. Nang mag-umpisa siyang tumugtog, biglang may malakas na pagsabog na narinig si Isha mula sa labas. Tumayo siya, ngunit bago pa siya makalabas, may inilagay na pouch ang lalaki sa kamay niya.
"Kakailanganin mo 'to, Lakeisha," sabi nito. Pagbukas ni Isha ng pinto, naguluhan siya-parang ibang mundo na ang kanyang kinatatayuan.
"What...the...fuck..."
Nasaan nga ba si Lakeisha? Bakit siya narito, sa mundong wala siyang alam?
Ano ang naghihintay sa kanya sa mundong ito?
UPDATES EVERY TUESDAY AND THURSDAYS.
Celeste Cassandra McLean , A 30 years old professor. Ang masayang pag eenjoy sa kanyang pagkadalaga ay biglang naglaho nang makatanggap siya sa ina ng isang mensahe kung saan sinugod ang ama niya sa hospital. Matagal namalagi ang ama niya na minsan ay binibisita niya, mag dadalawang buwan na ito sa hospital at wala pa ring progress ang pagpapagamot nito sa sakit, kasabay nun ang unti unting pagbagsak ng kompanyang pagmamay-ari ng ama. Dahil sa awa sa ama ay tinanggap niya ang alok nito, kahit hindi niya alam kung ano ay agad niya itong tinanggap, para sa ikabubuti ng pamilya niya ay gagawin niya lahat.
" What the hell? " gulat na singhal nito sa ama na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed.
" This is the only solution Celeste, kung hindi natin magagawa ang gusto niya ay kakalas siya sa partnership sa kompanya natin. Alam mong Pinaghirapan natin yan diba? Gusto mo bang maisuko na lang ito agad? " tanong ng ama.
" B-bakit daw pagpapakasal ang gusto niyang mangyari? Tsaka bakit ako Dad? Nandyan naman yung isa niyong anak. " inis pa rin siya dito pero kahit ganun ay napangiti ang ama.
" Ikaw ang nakikita niyang nararapat para sa anak niya and i trust you Celeste. My favorite baby girl. "
2021