Sa 𝘚𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘌 𝘉𝘰𝘯𝘪𝘧𝘢𝘤𝘪𝘰-ang pinakamasungit, pinakamagulong all-male section sa paaralan-walang puwang para sa isang babae. Pero dumating si 𝘐𝘳𝘪𝘴 𝘚𝘢𝘯𝘥𝘳𝘪𝘦𝘭𝘭𝘦 𝘛𝘳𝘪𝘯𝘪𝘵𝘺 𝘏. 𝘚𝘢𝘯𝘤𝘩𝘦𝘻, ang transfer student na tila hindi takot sa gulo. Determinado si 𝘈𝘻𝘺𝘢𝘦𝘭 𝘙𝘢𝘪𝘬𝘰 𝘡𝘺𝘰𝘯 𝘚. 𝘝𝘪𝘭𝘭𝘢𝘳𝘰𝘮𝘢𝘯, ang istrikto at masungit na presidente, na paalisin siya. Para sa kanya, ang presensya ni Iris ay isang abala na hindi nila kailangan.
Pero hindi lahat ay ganun ang tingin. Si 𝘒𝘩𝘢𝘪𝘳𝘰 𝘌𝘮𝘳𝘪𝘴 𝘊𝘭𝘦𝘪𝘯 𝘝. 𝘋𝘢𝘷𝘪𝘥𝘴𝘰𝘯, ang tahimik ngunit misteryosong bise presidente, ay mukhang nahuhulog na kay Iris. Habang sinusubukan ni Raiko na itaboy siya, natagpuan niya ang sarili sa isang gulong hindi niya inaasahan-paano kung ang galit ay unti-unting napalitan ng damdaming hindi niya kayang tanggihan?
Sa pagitan ng galit, pagkakaibigan, at lihim na damdamin, sino ang pipiliin ni Iris sa isang section na hindi niya inaasahang babago sa buhay niya?
"𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘦𝘩, 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘢. 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘭𝘰 𝘮𝘰 𝘱𝘢."
𝗗𝗶𝘀𝗰𝗹𝗮𝗶𝗺𝗲𝗿: This story is quitely inspired by Ang mutya ng section e ni eatmore2behappy. So baka magtaka kayo kung may scene na katulad ng nandoon sa book na yun. That's it thank you!