BOYS' LOVE/ GAY/ LGBT+ Hindi nagustuhan ni Reese nang magkaro'n siya ng indecent proposal sa isang mayamang lalaki kahit hindi naman siya prostitute at maayos naman ang kanyang pananamit habang nag-serve sa restaurant. Pero dahil ayaw niyang pahabain iyon at mawalan ng trabaho ay dinaan na lamang niya iyon sa ngiti at tinanggap ang calling card nito. Hindi niya inaasahan na isang buwan lang ang lilipas at halos itaob niya ang bahay nila para hanapin ang calling card nito, dahil naisip niyang ito na ang huling taong p'wedeng makatulong sa problema nilang magkakapatid. Hindi na siya halos makatulog sa mga tawag, pagbabanta, at murang inaabot sa iba't ibang numero. Nagparamdam na rin ang mga ito na hindi lang 'yon pananakot no'ng may tumamang bala sa kanilang bintana ng tatlong beses, nagiging kahiya-hiya na rin sila sa mga tao dahil lahat ng numero na nasa contact ng kapatid niyang si Kisses ay tinawagan at gumawa pa ng iba't ibang kuwento. Si Kisses ang isa sa kambal niyang kapatid ay umutang sa mga lending app-mga sharkloan, pito ang inutangan nito at tinakbuhan. Lumaki nang lumaki ang interes hanggang nagkaroon ng mga pagbabanta at tangkang pagpatay sa kanila. Nai-report niya na rin pero mukhang napakarami nilang may problema tungkol sa mga pananakot pero wala pa ring gulong ang kaso. Natatakot na si Reese na baka bago pa matunton ang lugar ng mga illegal lending app ay patay na silang magkakapatid. Bahala na, mas kayang tiisin ni Reese ang pagbebenta ng katawan kaysa patayin silang magkakapatid, kahit pa nga, mukhang walang puso at awa rin si Mr. Judah Sage.All Rights Reserved
1 part