
LIMBO ~> the afterlife condition of those who die in original sin without being assigned to the Hell of the Damned - Sa isang pampublikong sekondarya na paaralan ng Limbo, sa timog ng Metro Manila. Humigit-kumulang na nasa 12k students ang nag-aaral sa Limbo High School. Laging nangunguna ang paaralan na ito pagdating sa National Achievement Test, at Palarong NCR. Lahat ng mga estudyante rito ay matalino at magaling sa sports na siyang kinaiinisang ng ibang school. Paano kung ang sunod nilang salihan ay hindi ordinaryong test or sports competition. Isang competition na ang nakasalalay ay ang sariling buhay mo... Magagawa mo kayang lumaban para sa sarili mo? Kahit katumbas nito ay kamatayan ng teachers, classmates, schoolmates at kaibigan mo? Handa ka bang pumatay para sa sarili mong kapakanan? Langit, Lupa... Impyerno. Saan ka mahuhulog? Sa Impyerno kaya? Ilaban ang buhay para makaalis ka sa Impyernong larong ito. Dead or Alive?All Rights Reserved