"Iniisip ko kung paano ko nagawang iwasan ka noon. I realized just now, napakalaking parusa ang ginawa ko sa sarili ko."
**********
Noong una niyang makita si Dylan, alam niyang dumating na sa wakas ang matagal na niyang hinihintay, ang isang bagay na pinakadadasal-dasal niya, ang kanyang Prince Charming-tall, dark, with piercing blue eyes. He was everything a woman could ever wish for in a man-successful, respected, a person who was in control of his own universe.
At isinumpa niya sa sarili, na siya, si Issabella de Oliviera, at wala nang iba pa, ang magmamay-ari sa puso at lahat-lahat ng lalaking ito. There was absolutely no doubt in her mind that she would be Mrs. Anderson, Dylan's beloved wife and the mother of his four kids. Yes, she had it all planned. Everything had been covered in her mind. Their romantic wedding, their honeymoon destination, their dream house, their kids, and even pets.
Now, if she could only convince him she was the right woman for him.
**********
Via Celestine Cordova has high tolerance for the heat. Isalang mo man siya sa arawan o iwan sa desyerto balewala sa kanya ang init. But when she met Henrik Riego de Rosso, the man with the bluest eyes she had ever seen, she felt heat so different from the rest. Nakakaakit ang mga mata nitong sing-init ng nagbabagang apoy. She thought she could handle the heat. Paris is the city of love they say. Italian men are romantic they say. It would be fun they say. Pero masyado siyang napalapit sa apoy kaya siya napaso. Umuwi siyang luhaan at dala-dala ang bunga ng kanyang pagkakamali.
Years passed and she thought they would never cross paths again. Ginawa niya ang lahat para hindi nito matunton pero sa buhay niyang doble-kara, hindi mo aakalaing may mas bibigat pa sa misyon niyang itago ang tunay niyang trabaho mula sa kanyang pamilya. She was unexpectedly tasked to spy on none other than the inegmatic man she had been hiding from for years. Paano niya magagawa ang misyon kung sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata'y tila nanunumbalik ang init ng kahapon? Paano niya itatago mula dito ang dalawang kayamanang parang walang anumang itinanggi nito noon? At higit sa lahat paano niya maitatago ang tunay niyang nararamdaman kung sa bawat araw na ginawa ng Diyos habang nasa misyon siya'y mga maiinit na halik at yakap nito ang laging nakaabang sa kanya?