(This is a re-interpretation of the author based on the popular dating game Love and Deepspace)
Si Sylus ay isang makapangyarihan at mayaman na CEO ng organization sa N109 Zone na ang tawag ay Onychinus. Isang matangkad, matipuno at higit sa lahat, may misteryosong kapangyarihan ang nakatago sa kanyang kanang mata na kung sino man ay tumingin, ay mailalabas nya ang iyong pagnanasa, kahit tao yan o bagay, malalaman at malalaman nya rin yan.
Ngunit nang pumasok sa eksena si Elise, isang secret agent ng Ever na may misyon na kunin ang isang pinaka makapangyarihan na energy na Aether Core, natagpuan ni Sylus ang kanyang katapat. Sa kabila ng kagandahan at elegante na kilos ni Elise, siya'y may parehong talas ng isip, kakayahan, at tapang na kayang tapatan ang anumang banta-Kahit si Sylus man yan. Ang kanilang tagisan ng talino at lakas ay nauwi sa isang mapanganib na laro, puno ng pandaraya, habulan, at labanan.
Sa dulo ng labanang puno ng habulan at pag-ibig, mapapanatili ba ni Sylus ang kanyang kapangyarihan at pangalan, o siya rin ang babagsak sa mga bitag ng kanyang nararamdaman?