Is it normal to be the one courting a guy? To buy them a Bouquet of Flowers after confessing your love for them?
Para sa'kin, okay lang naman siguro 'yon. They deserve such gifts, like flowers too. Hindi ko naman talaga siya niligawan, parang gano'n lang siguro ang tingin ng iba. Kaya nag mukha ako ang nanligaw after giving him gifts like how guys court their girls. But he appreciated everything, in a way no one else could. He acknowledged my feelings, and that's how we clicked.
Pero minsan ma-realize mo rin, sooner or later, na may mga bagay na sobrang gustong-gusto natin sa umpisa. Pero kapag na sa'yo na, mapagtatanto mong hindi pa pala ito para sa'yo. Ang sabi nga nila marami pang iba d'yan. Ang kaso maghihintay ka pa ba ulit? Kahit ubos na ang oras mo?
Ang istoryang umiikot sa pag-iibigang inakalang mali sa tamang oras ngunit naging tama sa maling oras at panahon. Pag-ibig na kahit ilang beses nang nasasaktan, patuloy at patuloy pa ring mamahalin ang iisang taong nagbigay sa kanya ng sakit at ligaya.