The Elusive Bachelor 3: Sebastian 'Baste' Alcaraz (My Gorgeous Model Mechanic)
36 parts Ongoing "M-Model?!"gulat na turan ni Baste nang ipakilala ng kaniyang nakababatang kapatid ang babaeng nasa harap niya.
Tumango ang kapatid niya bilang sagot.
"Bea, naman."aniya sa kapatid. "Since when did you learn how to lie?"
Muli niyang tinapunan ng masamang tingin ang babaeng nakaupo sa kabilang panig ng center table sa sala ng condo unit na iyon.
"Itong mukhang mangkukulam na 'to, model?!"
Marahas na tumayo ang babaeng kaharap at nanggagalaiti ito sa galit na hinarap siya.
"Y-You...Asshole!"sigaw nito sa kaniya. "And who do you think you are?! God sent to us women?!"
"Hoy!"duro nito sa babaeng halatang nahintakutan sa ginawa niyang pagsinghal dito. "I've dated and bedded a lot of models. But none of them looks as hideous as you in the morning! 'Yong 'hashtag woke-up like this' mo, pang Halloween ang theme! At saang lupalop ka ng mundo nakita ng kapatid ko at wala yata sa lugar ninyo ang isang bagay na tinatawag na suklay?!"