Namatay ang asawa ni Grace at maagang naulila ang kanyang anak na si Lara. Kailanman ay hindi niya masabi sa kanyang anak na patay na ang kanyang asawa kaya nang makita nito si Jacob na kapatid ng kanyang asawang si Leo, ay inakala ni Lara na ito ang kanyang ama. Walang nagawa si Grace, lalo na at nag sang-ayon naman si Jacob na maging ama ng kanyang anak.
Ang tingin ni Jacob sa kanya ay isang goldigger, na kaya niya pinakasalan ang kapatid nito ay dahil lamang sa pera---ang pagiging aso at pusa nila ay naging dahilan para mahulog si Grace kay Jacob, ang hindi niya alam ay sinadya ni Jacob na maibigin siya, para makuha ang pera na iniwan sa kanya ng kanyang asawa.
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila.
Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siya. Itinuring na lang niyang isang business deal ang lahat dahil parehong makabubuti sa mga pamilya nila ang pag-iisang-dibdib na iyon. Walang mawawala sa kanya kung papayag siya.
Ngunit ilang linggo bago ang nakatakdang pagkikita nila ng mapapangasawa niya, bigla niyang napagtanto na may mawawala pala sa kanya.
Dahil nakilala niya si Ulan at binagyo nito ang nananahimik niyang puso...