Sa isang glamorous pero brutal na mundo ng showbiz, si Lyra Kim, isang sikat na singer na puno ng talento at charm, ay tinuldukan ng maaga ang buhay dahil sa inggit ng kanyang co-singer at "best friend." Pero sa halip na magtapos ang kanyang kwento, nagising siya sa katawan ni Aria Lim, ang supporting character sa isang sikat na college romance novel.
Ang problema? Alam ni Lyra na si Aria ay isang tragic character-isang alipin ng pekeng "angelic" female lead na si Clara Yoo. Si Clara, kahit mukhang mabait sa labas, ay manipulative at mapang-abuso sa likod ng mga eksena. Sa gitna ng chaos ng campus life, mayroon pang apat na male leads na palaging nasa paligid: ang mysterious na musician, ang overachieving student council president, ang cool na sports prodigy, at ang childhood friend na loyal sa female lead.
Determined si Lyra-este, Aria-na baguhin ang kanyang kapalaran. Gamit ang kanyang legendary na boses, sinubukan niyang umiwas sa main characters at gumawa ng sariling pangalan sa campus. Pero paano kung ang kanyang mga kanta ay magsimulang magbukas ng puso ng apat na male leads? At paano kung unti-unti niyang madiskubre ang madilim na sikreto ni Clara?
Sa mundo kung saan ang musika ang kanyang kalasag at boses ang kanyang sandata, kailangan ni Lyra/Aria na harapin ang mga pagsubok para mabuhay, makatakas sa trahedya, at baka-just maybe-mahanap ang sarili niyang happy ending.
"Sa bawat nota, may pag-asa. Sa bawat awit, may bagong simula."
Si Aiden isang college student at isang honor student na piniling makapag tapos ng pag aaral, makahanap ng trabaho at maipag malaki ang kanyang pamilya. Mula ng siya ay nabigo sa pag ibig ay nangakong hindi na muling papatol sa isang relasyon. Sa kanya ang damdamin ay magiging malaking sagabal laman sa kanyang pangarap.
Pero nabago ang lahat ng makilala nya ang isang babaeng hindi nya akalaing mamahalin nya, si Missy isang babae na may natatanging kagandahan at angking talento. Sa mga simpleng pag uusap sa ilalim ng mga bituin sa gitna ng gabi ay unti unting nababasag ang pader na itinayo ni Aiden sa kanyang puso.
Si Missy ay hindi lang basta babae, siya ang nag paalala kay Aiden na ang pag ibig ay hindi laging sakit kundi minsan ay ito rin ay isang lunas.
Ngunit may mga lihim si Missy na hindi agad ipinakita, at sa bawat araw na lumilipas mas lalong lumalalim ang koneksyon nila. Hanggang kailan kayang itanggi ni Aiden and damdaming pilit na bumabalik?. At handa naba syang tanggapin na minsan, ang mga bagay na hindi mo planado ay siya palang tunay mong kailangan?