Pagitan
  • WpView
    Reads 35
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Mon, May 5, 2025
Si Aira Velasquez ay isang matalino, masipag, at palaging may plano sa buhay. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay isang bagay na hindi dapat minamadali-dapat ito'y pinag-iisipan at nararapat sa isang taong handa rin siyang ipaglaban. Ngunit paano kung ang pusong matagal niyang iningatan ay unti-unting bumigay sa isang taong hindi pa handang mahalin siya pabalik? Si Nathaniel "Nate" Soriano ay tahimik, madalas may sariling mundo, at tila hindi inuuna ang pag-ibig sa kaniyang listahan ng mga pangarap. Sa kabila ng kanyang malamig na pananalita at pagiging mahirap basahin, may kung anong humahatak kay Aira para alamin ang lalim ng kaniyang mundo. Sa bawat simpleng pag-uusap, bawat sagot niyang hindi palaging mabilis ngunit palaging may bigat, unti-unting nahulog si Aira-kahit pa alam niyang walang kasiguruhan kung mahuhulog din ba si Nate sa kaniya. Sa pagitan ng pag-asa at pagsuko, sa pagitan ng pagmamahal at pagtanggap ng katotohanan, kailan nga ba dapat bumitaw? At kung pinili mong manatili, may hangganan ba ang paghihintay?
All Rights Reserved
#429
shortstory
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • LOVE HAS NO GENDER (One Shot Story) SPG - UNEDITED
  • Until When? (Until Trilogy 1)✔️
  • BEHIND HER SMILE
  • Scars Before the Sunrise
  • What If... I-Ghost Ka Niya?
  • Hihintaying maubos ang alon.
  • HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE
  • A World Of Our Own (BoyxBoy)
  • WHO ARE YOU?

Isa itong libro na naglalaman ng isang buong kuwento sa loob ng iisang kapitulo. Kozette - Musmos pa lamang ay alam na niya kung sino ang tinitibok ng puso niya, si Mikey. Ngunit hindi ito lalake kundi babae. Pero hanggang kailan ba niya kayang itago ang nararamdaman para rito? Lalo na't habang lumilipas ang panaho'y unti-unting lumalayo ito sa kanya at isang araw paggising niya'y hindi na siya nito kinakausap? Hanggang kailan niya ito kayang mahalin ng hindi nito nalalaman ang tunay na sinisigaw ng damdamin? Mikey - Ang tanging pangarap niya'y maging kasing galing ng iniidolo niyang doktor, ang kanyang ama. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana't nadungisan ang pagkakaidolo nito sa kanyang ama sanhi ng pagkakatiwalas nito sa tamang landas. At dahil dito, hindi narin ito naniniwala sa salitang "tunay na pag-ibig" mula ng iwan sila nito ng sariling ama. Ngunit papaano kung matagpuan na lamang niya ang sarili niyang mahulog muli sa taong matagal na niyang iniwan? Ang taong minsan niyang minahal ngunit dahil sa takot na baka matulad siya sa kanyang ina'y mas pinili na lamang niyang lumayo rito't kalimutan ang kanilang pinagsamahan. Idagdag pang alam niyang hindi normal ang umibig sa kapwa nito babae. May pag-asa bang magbunga ang mga lihim nilang nararamdaman sa isa't isa? O hahayaan nalang nilang lumipas ang panahon at tuluyang kalimutan ang minsang parehong pagtibok ng kanilang mga puso para sa isa't isa? ©TheRedPhantom2015 P.S Ito po'y dati ko ng nailathala dito sa wattpad gamit ang luma kong account. Ngunit datapwat dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay ito'y nawala kasama ng lahat ng mga librong aking kasalukuyang ginagawa, maswerte na lamang po't ako'y mayroon pang natirang kopya na ngayo'y aking muling ilalathala. Salamat po sa inyong suporta. At sa mga hindi pa nakabasa nito'y sana'y magustuhan niyo. Muli, ako po'y taos pusong nagpapasalamat sa pagsubaybay ninyo sa aking mga likha. Salamat! ^__^

More details
WpActionLinkContent Guidelines