Rhea Salazar believes in three things: hard work, focus, and success. Love? Fate? Walang kwenta 'yan! Wala namang naitutulong 'yon sa pag-abot ng pangarap niya. Kaya nang tumakbo siya bilang Supreme Student Government (SSG) President, alam niyang siya ang perfect candidate. Matalino, madiskarte, at may matinong plano para sa paaralan-sino pa bang dapat manalo kundi siya?
But then came Levi Carter.
Tall, brunette, at may confidence na parang kasing taas ng GPA niya, Levi is the kind of guy who never has to try hard-because everything comes easy to him. He's popular, well-liked, and worst of all, a natural charmer.
Ang masakit? Siya ang naging biggest threat ni Rhea sa election.
At ang pinakamasakit? Nanalo siya.
For the first time in her life, Rhea experiences the sting of failure. Pero hindi pa doon natatapos ang nightmare niya-hindi lang siya talunan, classmates pa sila ni Levi! Araw-araw, nagbabanggaan sila sa recitation, sa exams, at kahit sa simpleng canteen breaks. Para bang may eternal rivalry silang dalawa kung sino ang mas magaling.
Pero habang tumatagal, napapansin ni Rhea ang isang bagay na mas nakakagulo kaysa sa pagka-inis niya kay Levi-hindi lang siya nakakainis... minsan, nakakatuwa rin.
At, dare she say it... nakakakilig?!
Pero hindi puwedeng bumigay si Rhea. Ayaw niyang matulad sa iba pang babaeng nahulog sa ngiti at charm ni Levi Carter. Hindi siya papayag na matalo ulit.
Pero paano kung sa laban nilang ito... ang puso na niya ang bumigay?
"Since the night I saw you in that place, I know you are the one for me. So since then, I promised myself to love and protect you. I will cherish you for the rest of our lives. Thank you so much for coming into my life, Solana."
Breadwinner, tumayong nanay at tatay sa dalawa niyang nakababatang kapatid. Estudyante sa umaga, at dancer naman sa club sa gabi. Solana Marinduque is just 24 years of age, pero lahat ng responsibilidad sa buhay ay nakaatang na sa kaniyang mga balikat simula no'ng araw na magkahiwalay ang mga magulang nila at pareho silang iniwanan ng mga ito. Lahat handa siyang gawin makapagtapos lamang siya sa pag-aaral upang mabigyan din niya ng maayos na buhay ang kaniyang mga kapatid.
But when she met Rufo Montague, the man who became her customer at the club where she worked, who turned out to be her new professor, biglang nagbago ang takbo ng kaniyang buhay lalo na nang may mabuong pag-ibig sa puso niya para sa kaniyang professor, na seventeen years ang tanda sa kaniya.
Maaari nga kayang magkaroon ng happy ending ang kanilang relasyon gayo'ng may mga taong hindi masaya para sa kanilang dalawa, o isa sa kanila ang susuko at magpaparaya upang walang masaktan sa kanila?
•••••
NOTE: Ang novel po na ito ay may paisa-isa pa na errors. Kung judger at perfectionist ka, huwag mo na ituloy ang pagbabasa. HAHAHAHA Wala pa akong time para palitan ang lahat ng chapters dito ng edited version.
Gracias!