Rewrite Destiny

Rewrite Destiny

  • WpView
    Reads 2,987
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 22
WpMetadataReadComplete Fri, Feb 7, 202553m
Dedication Sa lahat ng mga manunulat na minsang naisip, "Paano kung ako ang naging bida sa sariling kwento ko?"-ang kwentong ito ay para sa inyo. Para sa mga taong natatakot sa hinaharap pero patuloy na lumalaban upang isulat muli ang sarili nilang kapalaran. Para sa mga naligaw, nalito, at nagduda kung sino ba talaga sila-at sa huli, natutunang ang sagot ay nasa paraan kung paano nila ipinaglaban ang sarili nilang kwento. At higit sa lahat, sa mga pusong handang magsimula muli, kahit ilang beses nang nasaktan ng nakaraan. Dahil minsan, ang pinakamalalaking lihim ay hindi nasa mundong ginagalawan natin... kundi nasa kung paano natin pinipiling baguhin ang ating tadhana. Rewrite Destiny Kung ikaw mismo ang sumulat ng kwento... kaya mo bang baguhin ang ending? Celina Reyes, isang kilalang writer, nagising isang araw bilang Lucia Dela Vega-ang kontrabida sa sarili niyang nobela. Alam niya ang itinakdang kapalaran nito: ipagkakanulo ng fiancé niyang si Marco Santiago, mabibigo laban kay Adrian Montenegro, at mamamatay bago sumapit ang dalawampu't isa. Pero sa bawat pagtatangka niyang baguhin ang kwento, mas lalong lumalabo ang realidad. May mga taong hindi niya isinulat pero tila matagal na siyang kilala. May mga lihim na matagal nang itinago bago pa siya dumating. At ang pinakamalaking tanong-kung hindi siya ang sumulat ng kwentong ito... sino? Ngayon, kailangang niyang piliin-susundin ba niya ang itinakdang script, o isusulat niya ang sarili niyang kapalaran? Ngunit isang bagay lang ang sigurado... lahat ng pagbabagong ginagawa niya ay may kapalit.
All Rights Reserved
#161
reverseisekai
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Kwentong Kalye:Love Chronicles ( Youth Love Story)
  • Maid To Be His (Under Revision)
  • THE PROMISE OF POSSESSIVE MAFIA TRILLIONAIRE (HUNTER PEREZ WINTER)
  • My Brother's Hurtful Words (Completed)
  • PASST - ANG SISTEMA AT ANG MULTO (COMPLETED)
  • Flames Of Love
  • My Ruthless Cold Mafia Husband
  • Cathaleya
  • MY ONLY CHOICE IS TO LOVE YOU! (completed)
  • LIFE IN VERSES

Sa mga pambihirang kalyeng ito, may magiging matatagpuang magagandang alaala at kakaibang mga tagpo ng kabataang masigla. Ang Lungsod ay magiging saksi sa paglalakbay ng mga batang tambay, mga taong puspos ng pangarap at pag-ibig. Meet Marco, isang tambay na puno ng pangarap sa puso. Sa bawat pagkakataong ipinapakita niya ang kanyang husay sa pagmu-mural, tila may nakatagong lihim sa likod ng mga pinturang kanyang nililikha. At siya nga si Lily, isang dalagang palaboy na may pusong palaging naghihintay. Sa gitna ng makulay na kalsada, hindi niya inakala na isang simpleng kwentuhan sa kalsada kasama si Marco ay magiging simula ng hindi malilimutang pag-iibigan. Subaybayan ang kanilang pagsasama, paglalakbay tungo sa pag-asa at pagtuklas ng mga bagay-bagay na hindi pa nila alam. Ngunit, may twist na naghihintay, dahil may isang sikreto mula sa nakaraan na maaaring magbago sa takbo ng kanilang pag-iibigan. Sa likod ng mga graffitis at hip-hop music, sa mga baril-baryang eskinita at bahay-bahayang tambayan, masusubaybayan ang kwento ng pag-ibig na higit pa sa mga pader na pininturahan ng kahapon. Kaya't tunghayan ang "Kwentong Kalye," isang akda na nagbibigay-diin sa kabutihan ng puso ng mga batang kalye sa kabila ng mga hamon ng buhay sa lungsod.

More details
WpActionLinkContent Guidelines