"Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit sa isang lalaki pa?"
Hezekiah "Zeke" Alcantara ang sikat na varsity player, ay sanay sa atensyon at paghanga ng lahat. Ngunit nang magsimulang gumulo ang damdamin niya para kay Adrian Reyes, isang tahimik at misteryosong estudyante;.hindi niya matanggap ang katotohanan. Pilit niyang iniiwasan ito, ngunit mas lalo lamang siyang nahuhulog.
Sa pagitan ng denial, selos, at isang hindi inaasahang love triangle kasama ang bagong estudyanteng si Nathalia, kailangang harapin ni Zeke ang katotohanan tungkol sa kanyang puso.
Isang kwento ng pagtuklas sa sarili, matinding emosyon, at isang pag-ibig na pilit niyang nilalabanan, hanggang sa hindi na niya kayang itanggi pa.