"bumalik ka dito, GAGO!" sigaw ko sa lalakeng dinaanan lang ako na para bang wala siyang ginawang kasalan sa'kin.
"kapal ng mukha ng tikbalang na 'yon" akala mo talaga kung sino eh, arggg pupunta pa ako kila mamu eh, king ina naman ng taong yon.
Inis akong napapadyak sa kinatatayuan at tumingin kung saan saan, baka may makakita sakin na pwede kong hingian ng tulong. "Bombastic, boom shakalaka, hallelujah!" sigaw ko ng makita sina anthon na papalapit sa akin.
"Bakit naka busangot ang baby namin?" tanong ni Anthon ng makalapit sila sa akin. gago rin to eh, pag namula mukha ko ngayon sasapakin ko 'to, seryoso. Baby amputa, kung hindi lang kita crush boi.
"eh may lalaking dumaan kanina, nabunggo niya ako pero hindi manlang nag sorry kaya ayun hinabol ko" pagsusumbong ko sakanila, at ang mga gago tinignan lang ako na parang naghihintay na sabihin kong may ginawa akong kabalbalan sa lalaking yon... hah!
"oh tapos" si Audi naman ang nagtanong. Tarantado talaga, kung maka oh tapos sa'kin akala mo talaga ako yung masama dito.
"Oh tapos mo mukha mo tarantado ka" sigaw ko kay Audi. "Kung maka tingin kayo sakin parang ako pa talaga ang masama dito ha, eh ako na nga itong naapi ng kapreng yon" nakakainis talaga, feeling ko kalaban ko ang mundo. Suntukin ko kaya itong lupa tapos magwala ako....hayst kakainis nababaliw na ako sa gigil.
"Calm down El, stop whining and let's get going. I will buy you anything you want, name it. Just stop sulking and let's go, we still need to go to your mamu, for sure she is waiting for our arrival" ani ni Zion. "Kaya favorite kita Zi eh, tama ka...check na check kaya tara lets na at gusto ko ng Jollibee hehe" sagot ko kay Zion. Kuhang kuha talaga ako ni Zi eh, alam niya kung anong katapat ko...kaya favorite ko ito eh. Pero syempre loyal tayo kay boss anthon.
"Drive through nalang tayo Zi" ani ni Lily. Tumango lang naman si Zion at nagsimula ng maglakad papunta sa kotse niya.
"MAMU HERE I COME!" sigaw ko sa hangin habang naglalakad