Si Maxine Rodriguez ang reyna ng gulo. Sanay siya sa away, sanay siyang sundin, at sanay siyang kontrolin ang mga tao sa paligid niya. Sa mundo niya, walang tumatanggi, walang humahamon, at walang nagtatangkang pigilan siya-dahil alam nilang kahit anong gulo ang pasukin niya, kaya niyang takasan.
Ngunit dumating ang araw na hindi niya matakasan ang galit ng kanyang ama.
Nang tuluyan na siyang hindi mapasunod, doon siya pinarusahan. Tinanggalan siya ng kapangyarihan. Pinalipat sa isang probinsyang wala siyang koneksyon, sa isang paaralang hindi niya kayang diktahan. At bilang dagdag na insulto, napasama siya sa isang section na puro lalaki-mga kasing-likas sa kanya ang init ng dugo at hilig sa gulo.
Akala niya, madali niyang madodomina ang mga ito. Akala niya, mananatili siyang reyna, kahit sa bagong mundo niya. Pero nagkamali siya. Dahil sa bagong paaralang ito, may isang taong hindi niya kayang paikutin. Ang hari ng sektion nila. Isang lalaking hindi natatakot sa kanya, hindi nagpapadala sa kanyang pananakot, at hindi niya kayang manipulahin.
Sa unang pagkakataon, may isang taong tumapat sa kanya.
At habang tumatagal, hindi lang galit ang nararamdaman niya. Paano kung sa halip na makipaglaban, mahulog ang loob niya sa lalaking ito? Paano kung sa larong siya ang sanay lumamang, siya naman ngayon ang naiipit? Makakabalik pa kaya siya sa dati niyang mundo-o siya mismo ang magbabago?
At higit sa lahat, makakaya ba niyang labanan ang sariling puso kung ito na mismo ang nagtataksil sa kanya?
The Flash: The Fastest Man Alive (Male Reader Insert)
94 parts Ongoing
94 parts
Ongoing
Y/N L/N was always a believer in the impossible, but he never suspected he would become the impossible. When a fateful lightning strike gives Y/N the power to move at super fast speeds, he must learn to step up as a hero against similarly affected people, ones whose agendas pose a threat to the world. Finding a team to call family, Y/N learns the power of speed, responsibility, teamwork, and love. He is the fastest man alive. He is the Flash.
The Flash and other properties are under the ownership of DC and Warner Bros. I did not intend on using this story for revenue or monetary gain. All rights reserved to their original owners.