PAALALA SA MGA MAMBABASA
Ang lahat ng karakter, pangyayari, lugar, at emosyon sa kwentong ito ay pawang produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda.
Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.
Si Margaret Reese Caventry ay isang babaeng tila pinagpala ng lahat ng biyaya-maganda, matalino, talentado, at kilala sa mundo ng unibersidad at social media. Isang Bachelor of Arts in Communication student na nangangarap na sundan ang yapak ng kanyang inang naging sikat na modelo. Sa mata ng marami, perpekto ang kanyang buhay-isang masayang pamilya, matagumpay na karera, at isang maliwanag na kinabukasan.
Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Zhushihao-isang lalaking nakilala niya sa isang dating app. Isang estranghero na unti-unting naging pamilyar. Isang taong bumihag sa puso niyang akala niya'y buo na. Sa bawat mensahe, tawanan, at tawag sa gabi, nabuo ang isang damdaming higit pa sa virtual na koneksyon.
Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay madali.
Dumating ang mga unos-mga pagsubok na susubok sa kanilang tiwala, pangarap, at pagmamahalan. Mga balakid na parang itinakda ng tadhana upang paglayuin sila. Minsan, tila kulog at kidlat na lang ang kulang upang tuluyang mawasak ang nabuo nilang mundo.
Makakaya ba nilang lampasan ang lahat? O magiging isa sila sa mga kwento ng dalawang pusong nagtagpo... ngunit hindi itinadhana?
Kagaya ng hangin at windmill-paano iikot si Margaret kung wala si Zhushihao?
Kwentong Kalye:Love Chronicles ( Youth Love Story)
25 parts Complete
25 parts
Complete
Sa mga pambihirang kalyeng ito, may magiging matatagpuang magagandang alaala at kakaibang mga tagpo ng kabataang masigla. Ang Lungsod ay magiging saksi sa paglalakbay ng mga batang tambay, mga taong puspos ng pangarap at pag-ibig.
Meet Marco, isang tambay na puno ng pangarap sa puso. Sa bawat pagkakataong ipinapakita niya ang kanyang husay sa pagmu-mural, tila may nakatagong lihim sa likod ng mga pinturang kanyang nililikha.
At siya nga si Lily, isang dalagang palaboy na may pusong palaging naghihintay. Sa gitna ng makulay na kalsada, hindi niya inakala na isang simpleng kwentuhan sa kalsada kasama si Marco ay magiging simula ng hindi malilimutang pag-iibigan.
Subaybayan ang kanilang pagsasama, paglalakbay tungo sa pag-asa at pagtuklas ng mga bagay-bagay na hindi pa nila alam. Ngunit, may twist na naghihintay, dahil may isang sikreto mula sa nakaraan na maaaring magbago sa takbo ng kanilang pag-iibigan.
Sa likod ng mga graffitis at hip-hop music, sa mga baril-baryang eskinita at bahay-bahayang tambayan, masusubaybayan ang kwento ng pag-ibig na higit pa sa mga pader na pininturahan ng kahapon. Kaya't tunghayan ang "Kwentong Kalye," isang akda na nagbibigay-diin sa kabutihan ng puso ng mga batang kalye sa kabila ng mga hamon ng buhay sa lungsod.