Sa isang ordinaryong classroom na puno ng abnormal na estudyante, isang unexpected na rivalry ang nabuo-hindi sa sports, hindi sa leadership, kundi sa Math.
Juryne, ang babaeng mahilig sa numbers pero hindi sa tao, ay tahimik na namumuhay nang biglang dumating ang isang istorbo-si Guyle Gozon, ang lalaking may saksakan ng lakas ng loob, kapal ng mukha, at surprisingly, math skills na hindi niya inaasahan. Sa isang iglap, nagkaroon siya ng isang Math rival na hindi niya inakala... at hindi niya matakasan.
Kasama ang bestie niyang si Bea-na full-time marites at part-time shipper-walang araw na magiging payapa ang buhay ni Juryne. Sa harap ng isang madaldal, competitive, at (aminin man niya o hindi) charming na Guyle, paano niya mapapanatili ang kanyang katahimikan?
Sa pagitan ng asaran, kompetisyon, at mga kaklaseng walang sawang nagshi-ship sa kanila, may isang tanong lang: Matatalo ba siya sa Math war? O matatalo siya ng sarili niyang puso?
Welcome to the craziest, most unexpected rivalry in history-na baka hindi lang tungkol sa numbers.