Shun Delocanog (Pronounce Sun)
Sa unang tingin, hindi mo siya mapapansin. Hindi siya 'yong tipo ng babaeng tatatak agad sa utak mo hindi sobrang ganda, hindi rin pangit. Isang simpleng mestiza na may kutis na hindi kaputian, hindi rin kayumanggi. Maliit lang siya, halos lima talampakan, pero sa presensya niya, tila ba mas mataas siya kaysa sa lahat.
Palagi siyang may ngiti hindi lang basta ngiti, kundi 'yong tipong kaya kang paasahin. Malambing ang boses niya, matamis magsalita, at tila laging may binubuong sikreto sa likod ng inosenteng ekspresyon niya. Sa kahit anong usapan, palaging siya ang nangunguna. Hindi man siya ang pinakamatalino sa klase, hindi rin siya napag-iiwanan. Sakto lang, pero minsan, parang mas matalino siya kaysa sa inaasahan.
Siya si Shun ang babaeng sinisikatan ng araw pero kayang lunurin sa dilim. Kilala siya bilang isang masiyahin, palakaibigan, at mapagbigay na tao. Pero kung kilala mo siya nang totoo, alam mong hindi siya ang tipo ng taong basta-basta lang nagpapadala. Marunong siyang maglaro, at kadalasan, siya ang nananalo. Sa high school, siya ang babaeng may kasaysayan ng pagsabay ng relasyon. Hindi lang dalawa-minsan tatlo, minsan higit pa.
Ang totoo, hindi niya sinasadyang manakit. Pero paano kung lahat sila, gusto siya? Siya lang naman 'yong tipo ng taong hindi mahirap mahalin. At kung kaya niyang ibigay ang saya sa kanila, bakit hindi? Ang kaso, hindi lahat ng kwento may happy ending.
Sa ilalim ng araw, siya si Shun ang babae ng araw, ng init, ng saya. Pero sa gabi, sino nga ba siya kapag naiwan siyang mag-isa? Sa dilim, hindi na sapat ang kanyang mapanuksong ngiti, hindi na sapat ang kanyang mga laro.
Kung ang araw ay sumisikat para sa lahat, kailan naman kaya siya magiging sapat para sa buwan?
Inspired by the song of Kpop group called EXO _LOVE SHOT.
Istorya ito ng dalawang indibidwal na mayroong kani kaniyang mundo.
Ang isa ay pinalaki at binusog sa pagmamahal ng kanyang pamilya habang ang isa naman ay lumaking kulang sa atensyon at kalinga ng kanyang mga magulang.
Isang pangyayaring magpapabago at magtuturo sa kanila upang lubos na makilala nila ang kanilang sarili.
At unti unting mababago ang kanilang mga buhay ng dahil sa isang
"Baso ng ALAK".
Na magiging dahilan upang marealize nila na sila ay kapwa umiibig na sa isa't isa.
Aaminin ba nila sa lahat na nagmamahal sila sa kapareho nila ng kasarian?
O mananatiling lihim ang kanilang naganap na "ONE NIGHT STAND???
Sabi nga nila,Kapag nagmahal ka...Wala itong pinipiling kasarian.
Pero papano na lang kung mayroon kang pamilya at pangalang gustong pangalagaan?At mayroon kang reputasyong iniingatan sa lipunan?
At papano kung may taong pinakamahalaga sayo na gusto kang ipakasal sa iba?
Magagawa mo bang saktan ang damdamin ng mahal mong pamilya at mas piliing sundin ang tinitibok ng iyong puso???